Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nikki. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nikki. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Pebrero 21, 2014

Good and Bad Things!

I've been super stressed and super tired and super disappointed and super down this past few days and the big part of it is because of school works and because of my insensitive classmates. I've been trying so hard to keep my cold facade whenever I'm with them. :/ Hindi ko nga lang mapanindigan. Hindi kasi ako kasing-sama nila which sometimes I wish I am. Para hindi ako napapagod ng ganito.

Ang palagi ko na lang iniisip sa lahat ng nangyayari sa'kin inside and outside the school, with friends, families and other people are all part of God's plan at challenge for me to be a better person. May pagka-makulit nga lang ang utak ko minsan at pinananaig palagi ang negativity. Pinipilit ko din naman na alisin iyon, hindi ko nga lang magawa madalas.

Pero kahit na madami akong problema at pagod na kinakaharap, thankful pa din ako dahil sa mga unexpected blessings ni Papa God sa'kin! Katulad ng pagpasa ko sa halos lahat ng Midterm Exams ko pati na din sa Midterm grades ko. Sa matataas na grades sa mga pinaghirapan kong projects and homeworks. Sa successful demo teaching ko. Kahit na ang grupo namin ang pinaka-magulong demo dahil sa mga insensitive at makasariling tao, okay na din. At least, naka-survive kami. Kaunti na lang at matatapos na ang sem na 'to. 17 units to go and I'm done! Kakayanin ko 'to! Kaunting tiis na lang! Matatapos na ko!

At ang pinaka-malaking achievement na nakuha ko ngayon ay ang pagkakapanalo sa Photography Contest na sinalihan ko sa school. First time kong sumali sa Photography Contest at hindi talaga ako confident sa entry na pinasa ko. Sanay na naman ang mga tao sa paligid ko sa ugali kong sobrang baba ng tingin sa sarili pati na din sa mga ginagawa ko. Mababa talaga ang self-confidence ko eh, anong magagawa ko? Sinusubukan ko namang itaas siya, kulang nga lang ako sa push! Hahaha Anyway, may mga nagsasabi naman sa'kin na think positive at maganda iyong entry ko. Hindi ko din naman inaasahan na mananalo siya as people's choice sa buong school, salamat sa mga nag-aksaya ng mga pera nila para bumoto sa entry ko. :)

Dahil mas maganda iyong sa mga kalaban ko. Kahit 3rd place lang iyong akin, super thankful pa din ako. At least, nagustuhan nila iyong akin. Nakakataas pa ng self-confidence dahil mga professionals iyong nag-judge ng mga entry namin.

Hindi kaya sign na 'to? Na i-push ko ang mga hidden talents na ngayon ko lang nalalaman na mayroon pala ako? Na alisin ko na ang hiya-hiya sa katawan ko at go na lang ng go? Subok na lang ng subok? Hahaha Ipu-push ko lahat iyan kapag naka-graduate ako at kapag may opportunity! <3 :)


Here are the pictures of my photo entry! :)






Martes, Disyembre 31, 2013

New Year's Resolution!


Paninindigan ko ang New Year's Resolution na ito galing sa isang magaling na writer. :))

1. HUWAG MAGPAPAGAMIT
-kung walang magpapagamit, walang manggagamit. tama naman, 'di ba? kaya dapat hindi maging tanga. taon-taon ko na lang sinasabi 'to sa sarili ko pero hanggang ngayon, isa pa din ito sa mga problema ko. ang masangkot sa isang gamitan dahil sa ibang tao. iyong mga taong lalapit lang sa'yo kapag may kailangan sila sa'yo pero kapag wala ka nang silbi, iiwasan at iiwan ka na nila. 'di ba, isang katangahan ang tawag sa ganoon? kaya this 2014, sisiguruhin kong maiiwasan ko na 'to at mas magiging mautak na ko sa pagtitiwala sa mga taong makakasalamuha ko. :)

2. HINDI NA MAGPAPAUTO
-sorry, likas na uto-uto talaga ako. kaunting drama lang ang gawin mo sa harap ko, bibigay na ko at papayag sa gusto ng mga 'taong' nakakasalamuha ko at nagsasabing 'kaibigan' ko daw sila. pero this 2014, mawawala na ang uto-uto side ko. hindi siguro maiiwasan minsan pero pipilitin kong bawasan ang pagiging uto-uto alang-alang sa sarili ko. :)

3. HINDI NA MAGPAPAKATANGA
-hindi rin maiiwasan ang isang 'to dahil sabi ko nga, lahat ng tao may side talaga ng pagiging tanga. nasa nature na yata iyon pero kung mababawasan ang pagpapakatanga lalo na sa mga maling tao, mas better. :) mas mapagtutuunan ko ang sarili ko. :)

4. MAMAHALIN ANG SARILI
-ito ang ultimate goal ko sa 2014! Bukas, umpisa na ng Project: Me, myself and I ko. Meaning, babawas-bawasan ko na ang pag-prioritize sa ibang tao lalo na sa mga 'manggagamit' at 'friendly users'. This 2014, pag-aaralan ko nang mahalin ang sarili ko. Susubukan kong ibalik ang Nikka Bianca na baby princess ng Papa ko. Iyong Nikka Bianca na hindi nega at hindi emo dahil alam ko na ngayong wala naman ibang makakatulong sa'kin kundi ang sarili ko. Sa 2014, walang lovelife, walang complications, walang fake friends na iintindihin. Mas magiging wais na ko sa mga pagkakatiwalaang tao. :)

5. MATUTONG SUMAGOT NG 'NO'!
-Hahaha nakakatawa 'to, 'di ba? Pero oo, kasama 'to sa mga babaguhin ko sa 2014. Kung noong mga nakaraang taon ay oo lang ako ng oo sa mga sinasabi at inuutos sa'kin pati na din sa mga favor na hinihingi ng mga fake friends ko, ngayong taon, matututo na kong tumanggi lalo na kapag hindi ko naman trabaho at hindi na kaya ng katawan ko. 'Napaka-healthy' ko pa naman kaya bibigyan ko naman ang sarili ko ng pagkakataong magpahinga. I owe it to myself! Palagi ko na lang kasing pinagkakaitan ang sarili ko na magpahinga. :))))

6. MAGSULAT NG MADAMI AT MAKABULUHAN
-okay, inimbento ko lang 'to pero kasama 'to sa mga gusto kong ma-achieve! Gusto kong makapagsulat ng mga nobelang makaka-satisfy sa mga magbabasa. Hindi iyong sarili ko lang ang sina-satisfy ko sa tuwing magsusulat ako. I owe to them din naman dahil binibili din nila ang mga gawa ko. Syempre, I want to develop my writing skills. I want to improve as a writer. At alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ko ma-achieve ang goal na iyon pero kung ngayon pa lang, susubukan ko na eh di mas madali ko siyang matututunan at makukuha. :)

7. BE STRONG! BE BITCHY!
-isa pang inimbento ko 'to! bakit? nakakapagod kasing maging mabait! madaming nagsasabing madami ang umaabuso sa'kin dahil masyado daw akong mabait. hindi naman siguro kasalanan kung gano'n man ako 'di ba? wala naman akong magagawa eh, ganoon talaga ako pinalaki ng mga magulang at kamag-anak ko. pero ngayon, i want to try something. i want to be somehow, bitchy! magpapaka-bad girl ako ng kaunti. titingnan ko lang kung sino sa mga 'kaibigan' at mga mahal ko sa buhay ang tatanggap pa din sa'kin kahit na masama na kong tao. :))))))) Sa Be Strong naman, taon-taon ko nang new year's resolution 'yan. dahil sa sobrang 'bait' ko, natututo akong magkimkim ng sama ng loob para sa ibang tao. hindi ko maipapangako na hindi ko na magagawa 'yan pero hangga't sa kaya ko, magpapakatatag ako. magiging strong ako, para sa sarili ko. :)

ilan lang 'yan sa mga new year's resolution ko para sa 2014! Hahaha akchali, most of the time ay go with the flow lang ako. kung anong mangyayari, eh di mangyari. sabi nga kasi nila, lahat ng nangyayari sa buhay ay may reason. ibig sabihin, kung anong gusto ni papa god, iyong ang mangyayari. nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa kaya keep the faith always! :)

love lots,
-Nikka Bianca 2.0-
-stronger, girly, braver, bitchy, bad-

Linggo, Agosto 19, 2012

fangirl moment ^.^

AND MY SPEECH ABOUT MY FAN GIRLING MOMENT BEGINS. LOL
just joking. i just want to talk about my super kaadikan to this Korean group.


bakit ako adik sa kanila? honestly, hindi ko din alam. pinakilala lang sila sa'kin ng friend ko then that's it. after ko manood ng movie nila entitled "attack on the pin-up boys" adik na ko. LOL bukod sa isang OPM band na super sinuportahan ko, sila pa lang ang pangalawang grupo na sobrang malapit sa puso ko na hindi ko mabitiwan. hindi ko din alam kung bakit, so don't ask questions. :P

August, 15, 2012, SIHAE IN MANILA



(sorry for the pictures. nganga na ko niyan kaya ganyan lang sila. XD)

dreams do come true. LOL iyan ang araw na naging totoong masaya ako. bakit? dahil nakita ko na... finally ang pinakamamahal kong isda. LEE DONGHAE. imagine, almost 5 years ko na siyang hinintay na makita, at ngayon nga, natupad na iyon.

dati, ang sabi ko sa sarili ko, SUPER JUNIOR ang unang KPOP group na makikita ko. pero hindi nangyari... pero para sa'kin okay lang. :) isa-isa ko na silang nakikita ngayon. Last January, sina Siwon, Kyuhyun at Hyukjae. Ngayon naman si Siwon at Donghae. Alam kong inuunti-unti lang ako ni Papa god. Gusto niya may reserba ako para maging happy. ^.^ at alam niya kung pa'no mawawala ang stress ko.

kaya i want to thank papa god for giving me the opportunity to see my bebe. :P maka-bebe akala mo naman sa'kin si donghae eh. XD basta, i so love SUPER JUNIOR. sa sobrang pagmamahal ko sa kanila, color blue na nga yata ang kulay ng dugo ko. XD

pero okay lang, they can make me happy naman so keri lang. :) forever elf na 'to. and hopefully, makita ko na din yung ibang members this year. hahahaha. request lang naman. :)))) at syempre, mangyayari lang yun kapag natuloy ang SS5 Philippines. <3


(donghae ang siwon with thousands of fans!)

-nikki-