Ipinapakita ang mga post na may etiketa na photographer. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na photographer. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Pebrero 21, 2014

Good and Bad Things!

I've been super stressed and super tired and super disappointed and super down this past few days and the big part of it is because of school works and because of my insensitive classmates. I've been trying so hard to keep my cold facade whenever I'm with them. :/ Hindi ko nga lang mapanindigan. Hindi kasi ako kasing-sama nila which sometimes I wish I am. Para hindi ako napapagod ng ganito.

Ang palagi ko na lang iniisip sa lahat ng nangyayari sa'kin inside and outside the school, with friends, families and other people are all part of God's plan at challenge for me to be a better person. May pagka-makulit nga lang ang utak ko minsan at pinananaig palagi ang negativity. Pinipilit ko din naman na alisin iyon, hindi ko nga lang magawa madalas.

Pero kahit na madami akong problema at pagod na kinakaharap, thankful pa din ako dahil sa mga unexpected blessings ni Papa God sa'kin! Katulad ng pagpasa ko sa halos lahat ng Midterm Exams ko pati na din sa Midterm grades ko. Sa matataas na grades sa mga pinaghirapan kong projects and homeworks. Sa successful demo teaching ko. Kahit na ang grupo namin ang pinaka-magulong demo dahil sa mga insensitive at makasariling tao, okay na din. At least, naka-survive kami. Kaunti na lang at matatapos na ang sem na 'to. 17 units to go and I'm done! Kakayanin ko 'to! Kaunting tiis na lang! Matatapos na ko!

At ang pinaka-malaking achievement na nakuha ko ngayon ay ang pagkakapanalo sa Photography Contest na sinalihan ko sa school. First time kong sumali sa Photography Contest at hindi talaga ako confident sa entry na pinasa ko. Sanay na naman ang mga tao sa paligid ko sa ugali kong sobrang baba ng tingin sa sarili pati na din sa mga ginagawa ko. Mababa talaga ang self-confidence ko eh, anong magagawa ko? Sinusubukan ko namang itaas siya, kulang nga lang ako sa push! Hahaha Anyway, may mga nagsasabi naman sa'kin na think positive at maganda iyong entry ko. Hindi ko din naman inaasahan na mananalo siya as people's choice sa buong school, salamat sa mga nag-aksaya ng mga pera nila para bumoto sa entry ko. :)

Dahil mas maganda iyong sa mga kalaban ko. Kahit 3rd place lang iyong akin, super thankful pa din ako. At least, nagustuhan nila iyong akin. Nakakataas pa ng self-confidence dahil mga professionals iyong nag-judge ng mga entry namin.

Hindi kaya sign na 'to? Na i-push ko ang mga hidden talents na ngayon ko lang nalalaman na mayroon pala ako? Na alisin ko na ang hiya-hiya sa katawan ko at go na lang ng go? Subok na lang ng subok? Hahaha Ipu-push ko lahat iyan kapag naka-graduate ako at kapag may opportunity! <3 :)


Here are the pictures of my photo entry! :)






Martes, Oktubre 9, 2012

Speech and Drama Club Presentation ^.^

yosh! at last, tapos na din ang program. :)

isang malaking achievement iyon para sa club na dini-discriminate ng ibang students pati mga professors noon. And well, I am proud to say that I am one of the students na part ng dini-discriminate na club na iyon.

At dahil iba na ngayon, gusto naming baguhin ang tingin ng ibang tao sa school namin sa Speech and Drama Club. Gusto naming makilala kami dahil magaling kami, talented kami at hindi kami basta-basta. :)))

Hindi kami namimilit ng mga students na sumali sa club namin unlike before na sapilitan ang pagiging members. At dahil do'n, hindi nagiging successful ang club. Mas maganda kasi kung konti nga ang mga members, at least willing silang mag-commit sa isang bagay. Sabi nga ng isang taong kilala ko, "only the best remains in the group. Talented people and people who are responsible enough to commit and do what they want."

Mas masaya kasing isipin na sumali sila sa club para mag-improve iyong mga talents nila. Dahil nage-enjoy sila sa ginagawa nila. At nahanap namin iyon. Super talented people shine in our program. Ang gagaling nila.

*floor director, lady guard, assistant floor director*

*talented dancers*

*feeling rakista*

*singers and instrumentalists*

*artists*

sana lang, magtuloy-tuloy ang improvements na nakikita namin sa mga batang 'to. :)) magagaling sila... PROMISE TALAGA! sana lang next semester, nandiyan pa din sila for our college week dahil magkakaro'n ng concert sa school and as usual, sila-sila na naman ang magpe-perform. :)))

PS: sana lang wala nang gangnam style na sayaw. nakakasuya na nakakahiya pa. :)))))))

-nikka-

Sabado, Hulyo 7, 2012

models... wannabe. XD





some shots taken at our school. :)) mga frustrated models lang ang mga iyan. XD at frustrated photographers na din. XD gusto lang talaga namin mag-pictorial kaya gano'n. HAHAHA.

puwede na ba? HAHAHA. take note, mga future educators pa iyang mga iyan. LOL super flexible sa mga talents no? HAHAHA.

iyon lang. gusto ko lang talaga mag-share ng mga ganitong shots. XD

---nDR---