Lunes, Oktubre 22, 2012

sembreak! :))

sembreak na!!! at last!!! pero bakit hindi ko nararamdaman?

dapat pahinga ang sembreak diba? dapat mag-unwind at mag-relax kapag sembreak. :)) pero para sa mga taong masyadong busy, hindi uso iyon. kailangang magbanat ng buto. kailangang kumita para may pambili ng luho at pambili ng mga gamit sa school. :)))

NIKKI mode ako for 2 weeks. kailangan kong matapos si slater. kailangan kong makakalahati si ethan at byron kahit papa'no. kailangan kong tapusin ang trabaho ko bilang encoder sa office. kailangan kong magpa-enroll. HAHAHAHA. iyan ang perfect example ng SUICIDAL! LOL

kaya maging busy na din kayo. XD

xoxo
-Nikki_DelRo-

Martes, Oktubre 9, 2012

Speech and Drama Club Presentation ^.^

yosh! at last, tapos na din ang program. :)

isang malaking achievement iyon para sa club na dini-discriminate ng ibang students pati mga professors noon. And well, I am proud to say that I am one of the students na part ng dini-discriminate na club na iyon.

At dahil iba na ngayon, gusto naming baguhin ang tingin ng ibang tao sa school namin sa Speech and Drama Club. Gusto naming makilala kami dahil magaling kami, talented kami at hindi kami basta-basta. :)))

Hindi kami namimilit ng mga students na sumali sa club namin unlike before na sapilitan ang pagiging members. At dahil do'n, hindi nagiging successful ang club. Mas maganda kasi kung konti nga ang mga members, at least willing silang mag-commit sa isang bagay. Sabi nga ng isang taong kilala ko, "only the best remains in the group. Talented people and people who are responsible enough to commit and do what they want."

Mas masaya kasing isipin na sumali sila sa club para mag-improve iyong mga talents nila. Dahil nage-enjoy sila sa ginagawa nila. At nahanap namin iyon. Super talented people shine in our program. Ang gagaling nila.

*floor director, lady guard, assistant floor director*

*talented dancers*

*feeling rakista*

*singers and instrumentalists*

*artists*

sana lang, magtuloy-tuloy ang improvements na nakikita namin sa mga batang 'to. :)) magagaling sila... PROMISE TALAGA! sana lang next semester, nandiyan pa din sila for our college week dahil magkakaro'n ng concert sa school and as usual, sila-sila na naman ang magpe-perform. :)))

PS: sana lang wala nang gangnam style na sayaw. nakakasuya na nakakahiya pa. :)))))))

-nikka-

Biyernes, Setyembre 21, 2012

problemado~

hindi ko alam kung ano na naman ang problema ko at hindi na naman ako makapagsulat. ilang araw na nga ba? 1 week? 2 weeks? ang sarap tuktukan ng sarili ko minsan eh. palagi na lang ako nakikipagtitigan sa monitor ng laptop ko. pero wala pa din nangyayari.

sana bumalik na yung drive ko sa pagsusulat. nakaka-miss din siya infairness pero wala talaga akong napapala sa kukote kong nabubulok na ata.

-nikki del rosario-

Linggo, Setyembre 16, 2012

Heartache...

before i start saying nonsense things, what am I going to post here?
i just have this feeling that i need to post something but i feel like i'm having a hard time thinking about what to tell first.

i've been experiencing this unbearable pain this past few days. Why? Because I finally---yes, FINALLY--- realize that i need to let go of someone who is very insensitive of what other people ---well, that's what he did to me--- are feeling because of his actions and everything.

who is he? and what did he do to make me feel this way? no need to mention his name. i respect him and i don't want other people to judge him based on what i am saying in this nonsense blog post. I just want to share what I'm experiencing right now because if I keep this on my own, I feel like I'll breakdown any minute.

so let's start from the scratch...

I met this guy last August, 2011. He is like my dad---attitude, profession, personality and everything. At first, I don't like him because he hurt my friend who happens to be his bestfriend. I know I don't have the right to be irritated with him but I can't help it. It's my friend who he hurt.

One night he texted me. Tinatanong niya ako kung kasama ko daw ba iyong bestfriend niya. That's the start of our so-called "friendship". Well, on my part, we're friends. I even asked him if it is okay with him to be my friend and he says "okay lang". Madalas na kaming nagkaka-text after that night. Binigyan pa niya ako ng advice about what to do sa ex-boyfriend ko.

Hindi ko naman namamalayan na i'm starting to fall for him. At oo na, assuming na ako dahil umasa ako na iyong mga pinapakita niya sa akin ay may ibig sabihin. He even gave me a teddy bear na hindi naman daw niya ginagawa sa iba, sabi ng bestfriend niya. So, talagang ASSUMING ako! and then, nalaman ko na aalis siya, pupunta siya sa ibang panig ng mundo. Siyempre super affected ako kahit alam ko na ang OA ko naman para maapektuhan sa mga gano'ng bagay, eh bago pa lang kami na magkakilala.

At dumating ang araw na naisip kong mag-confess sa kanya. Wala namang masama kung gawin ko iyon since aalis na siya. Okay naman ang naging pag-uusap namin. May mga sinabi siya na nagbigay ng pag-asa sa'kin na siguro, kahit konti lang, may feelings na din siya for me. Pero dumating iyong time na pakiramdam ko, unti-unti na siyang umiiwas sa'kin. Kung bakit? Hindi ko din alam. Pinapansin pa rin niya ako pero naging less na. I mean, hindi na katulad ng dati.

So, naisip ko siguro may kinalaman iyon sa pagco-confess ko sa kanya. Pero iyong sinabi niyang "maraming puwedeng mangyari sa 5 years. Let's take one step at a time." ay malaki ang naging impact sa'kin. Siguro, deep inside iyon ang pinanghawakan ko na kahit papa'no may pag-asa. Pero as the days, weeks, months goes by unti-unting nawala iyon. Oo, isang tweet lang from him, kumpleto na ang araw ko at kapag hindi niya ako pinapansin sa twitter sumasama ang loob ko. Pathetic, isn't it? Well, that's love.

Nitong mga nakaraang araw, bigla ko na lang naisip na bakit nga ba ako pumapayag na masaktan? Hindi ba dapat kapag nagmamahal ka, mas lamang ang pagiging masaya? Pero hindi, mas lamang ang sakit kaysa sa sayang nararamdaman ko. Halos lahat ng firsts pagdating sa usaping 'love' sa kanya ko naranasan. First love, first time nangyari iyong sumusunod ako sa lahat ng bilin ng isang tao na hindi ko talaga ginagawa dahil matigas talaga ang ulo ko, first time na may nagbigay ng teddy bear sa'kin na galing sa guy, first time na may totoong nag-alala for me na guy to the point na palagi na akong pinapagalitan dahil sa sobrang pasaway ko, first time kong umiyak nang dahil sa isang lalaki, at first time kong masaktan... as in sobrang sakit.

My friends keeps telling me na tama na. Hindi siya worth it. Mag-let go na ako at mag-move on na dahil wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ko. Sinubukan ko noong una pero mahirap pala. Doon ko na-realize na nagmamahal na talaga ako. Totoong pagmamahal na ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero kasabay ng realization na iyon, naisip ko din na wala nang saysay iyong paghihintay na ginagawa ko. Dahil kahit yata bilang kaibigan, hindi na niya ako tinuturing eh.

So, sinabi ko sa sarili ko na tama na. Awat na. Hindi ko deserve na masaktan ng sobra dahil sa isang taong halata namang walang pakialam sa'kin at sa nararamdaman ko. So, I sent him a direct message in twitter saying "sorry... thank you and goodye." simple words with a deeper meaning. No'ng nag-reply siya, hindi ko na ni-replyan. Why? Simple, gusto ko na mag-start mag-move on. Alam kong mahirap, alam kong masakit pero kailangan kong kayanin. Sabi nga ng isang kaibigan ko, "Sometimes, love is about letting go." at kung gusto mong mahalin ka ng ibang tao, dapat mo munang mahalin ang sarili mo. So, gano'n ang gagawin ko. At iyon ang KAILANGAN kong gawin. Hindi lang siguro talaga siya ang tamang lalaki para sa'kin. Kung kailan ako tuluyang makaka-move on, hindi ko alam. Sana, soon. :)

-ang hirap pala nang nasasaktan, masyadong emo. :))) pero kahit papa'no, gumaan naman pakiramdam ko. sana lang talaga maging maayos na ako at bumalik na ako sa dating ako dahil honestly, nami-miss ko na ang dating Nikka. Grabeng experience 'to, infairness. Dala na din siguro 'to nang hindi kagandahang mood ko nitong mga nakaraang araw dahil sa so-called "moving on" ko.

PS: 'wag na mag-back read. Ang hirap mag-edit ng post eh. Sa mga makakabasa, bahala na kayong umintindi. :P Infairness, first time ko mag-post ng mahabang blog. XD

Biyernes, Agosto 31, 2012

Friend Zone

What is a Friend Zone?

-honestly speaking, i don't have any idea what that is. But because some of my friends keeps on talking about that, i got curious. What is the meaning of Friend Zone? How does this affect the relationships of some people?

(here is a definition that i found in Wikipedia)

The "friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship while the other does not. The most typical friend zone situation involves a man that is romantically interested in a woman who does not reciprocate or is unaware of his interest. It is generally considered to be an undesirable situation by the lovelorn person. Once the friend zone is established, it is said to be difficult to move beyond that point in a relationship.

-dahil sa isang kantang madalas kong pakinggan nitong mga nagdaang araw, may isang bagong istoryang nabuo sa isip ko na may kinalaman sa trending na friend zone. Well, experiment lang naman ang story na 'to since first time kong gagawa ng gano'ng type ng story.

Tungkol sa isang babaeng sobrang in love sa best friend niya. Hindi nga lang niya iyon masabi dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Ouch 'di ba? Kahit sino naman siguro masasaktan sa mga gano'ng katotohanan na hindi natin kayang baguhin. :P

Kung ano man ang kahihinatnan ng story na 'to, bahala na si batman. :)))

-nDr-

Linggo, Agosto 19, 2012

fangirl moment ^.^

AND MY SPEECH ABOUT MY FAN GIRLING MOMENT BEGINS. LOL
just joking. i just want to talk about my super kaadikan to this Korean group.


bakit ako adik sa kanila? honestly, hindi ko din alam. pinakilala lang sila sa'kin ng friend ko then that's it. after ko manood ng movie nila entitled "attack on the pin-up boys" adik na ko. LOL bukod sa isang OPM band na super sinuportahan ko, sila pa lang ang pangalawang grupo na sobrang malapit sa puso ko na hindi ko mabitiwan. hindi ko din alam kung bakit, so don't ask questions. :P

August, 15, 2012, SIHAE IN MANILA



(sorry for the pictures. nganga na ko niyan kaya ganyan lang sila. XD)

dreams do come true. LOL iyan ang araw na naging totoong masaya ako. bakit? dahil nakita ko na... finally ang pinakamamahal kong isda. LEE DONGHAE. imagine, almost 5 years ko na siyang hinintay na makita, at ngayon nga, natupad na iyon.

dati, ang sabi ko sa sarili ko, SUPER JUNIOR ang unang KPOP group na makikita ko. pero hindi nangyari... pero para sa'kin okay lang. :) isa-isa ko na silang nakikita ngayon. Last January, sina Siwon, Kyuhyun at Hyukjae. Ngayon naman si Siwon at Donghae. Alam kong inuunti-unti lang ako ni Papa god. Gusto niya may reserba ako para maging happy. ^.^ at alam niya kung pa'no mawawala ang stress ko.

kaya i want to thank papa god for giving me the opportunity to see my bebe. :P maka-bebe akala mo naman sa'kin si donghae eh. XD basta, i so love SUPER JUNIOR. sa sobrang pagmamahal ko sa kanila, color blue na nga yata ang kulay ng dugo ko. XD

pero okay lang, they can make me happy naman so keri lang. :) forever elf na 'to. and hopefully, makita ko na din yung ibang members this year. hahahaha. request lang naman. :)))) at syempre, mangyayari lang yun kapag natuloy ang SS5 Philippines. <3


(donghae ang siwon with thousands of fans!)

-nikki-

Sabado, Agosto 18, 2012

education rocks! \m/






i just want to share some pictures with some educ students. ^.^

habang nagpa-practice at nagre-ready para sa activities for the buwan ng wika program, nakuha pa naming ngumiti-ngiti ng ganyan at magpicture-picture. XD well, what can I say, talented kasi kami. chos~

-nikki-